MANILA, Philippines - Nasa loob na ng PhilipÂpine Area of ResÂponsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) sa hilaga ng bansa.
Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng PAGASA, pumasok ang LPA ganap na alas-5:00 ng umaga kahapon.
Alas-10 ng umaÂga, ang LPA ay huling naÂmataan sa layong 180 kilometro hilaga ng Laoag City.
Sinabi ni Escullar na ang naturang LPA ay nagdudulot ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Bataan at Zambales.
Aniya, posibleng maÂging bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras ang nasabing LPA.
Kapag naging bagyo ito ay tatawaging Ester at ikalimang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.
Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila pero asahan na ang mga pag uulan laluna sa hapon at gabi.