MANILA, Philippines - Inatasan ng Korte Suprema si dating Quezon Governor Eduardo T. Rodriguez at ang Pagbilao Development Corporation na ibalik ang isang malawak na lupain na kinumpiska nila mula sa tunay na may-ari nito na si Pedro Lukang.
Binaligtad ng desisyon ng Mataas na Hukuman na may petsang Marso 10, 2014 ang desisyon ng Court of Appeals at sa halip, kinatigan ang naunang pasya ng mababang hukuman.
Hindi sinang-ayunan ng Mataas na Hukuman ang argumento ng PDC na nabili nito ang properties kahit pa maliwanag na may usapin pa sa kaso ang lupa. Ito umano ay isang sugal na pinasok na dapat ay magsilbing babala sa pagbili ng property, ayon sa SC.
Nabatid na 1993 ay nabili ng PDC ang property mula sa dalawang tagapagmana ni Arsenio Lukang kahit wala pang inilalabas na desisyon ang korte sa ‘rightful shares’ ng mga anak at tagapagmana nito. Ang ama na nagpamana na si Lukang ay namatay noong 1976.