MANILA, Philippines – Sa araw ng lagdaan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sumiklab ang kaguluhan sa Chino Roces Bridge sa Mendiola sa Maynila matapos bulabugin ng mga tagasuprota ng National Democratic Front (NDF) ang mga nakatipong Muslim ngayong Huwebes ng umaga.
Nagsasagawa ng programa ang muslim sa Mendiola kaugnay ng makasaysayang lagdaan ng CAB sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang biglang umeksena ang nasa 100 tagasuporta ng NDF.
Nagkasakitan ang dalawang grupo kung saan umabot ang habulan hanggang sa Morayta.
Humupa lamang ang tensyon na nagsimula bandang alas-10 ng umaga nang dumating ang mga pulis bago gumitna ang ilang imam.
Ngayong araw lalagdaan ng gobyerno at MILF ang CAB isang hakbang para mabuo ang Bangsamoro region na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.