MANILA, Philippines - Gustong ipatawag ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang dalawang dating opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) na sina Rhodora Mendoza at Victor Roman Cacal kaugnay sa pork barrel fund scam.
Ayon kay Santiago, dapat marinig sa komite ang isiniwalat ng dalawang dating opisyal kung saan apat na senador at 79 kongresista ang sinasabing sangkot at naglagay ng nasa P1.7 bilyon ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Nabcor.
Ang mga dokumento ng diumano’y scam kung saan sangkot ang Nabcor ay isinumite na ng dalawa sa Ombudsman.
Ang Nabcor ay nasa ilalim ng Department of Agriculture na sinasabing pinaglagyan din ng pondo para sa mga proyekto ng mga pekeng non-goÂvernment organizations ni Janet Lim-Napoles.
Si Mendoza ang daÂting vice president for finance ng Nabcor samantalang si Cacal ang dating head ng general services. Kabilang rin ang dalawa sa kinasuhan sa Ombudsman sa pork barrel scam.
Nag-aplay na ang daÂlawang opisyal na maging state witnesses kasama ang on leave director general ng Technology Resource Center na si Dennis Cunanan.