^

Bansa

Pinakamalamig na temperatura sa Baguio, nadama

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadama ang pinaka- malamig na temperature sa Baguio City kahapon ng umaga nang bumagsak sa 10.3 degrees Celsius ang lamig sa lungsod.

Ayon kay Glaiza Escullar,  weather forecaster ng PAGASA, ganap na alas-6:00 ng umaga kahapon nang maitala ang coldest temperature sa Baguio City na mas malamig kaysa noong January  9, araw ng Huwebes na nasa 11.5 degree Celsius ang temperature.

Pero mas mababa pa rin ang naitalang lamig noong January 18, 2013 na nakapagtala ng 9.5 degrees Celsius sa  Baguio at pinakamababa pa dito ay naitala noong January 18,1961 na umabot sa 6.3 degrees Celsius.

Sinabi ni  Escullar na patuloy pang makakaranas ng malamig na panahon sa lungsod gayundin sa buong bansa hanggang buwan ng Pebrero ng taong ito.

Pero sa huling linggo ng Pebrero hanggang sa pagpasok ng buwan ng Marso ay unti unti nang mawawala ang malamig na panahon dahilan naman sa inaasahang pag­lisan ng amihan.

AYON

BAGUIO CITY

ESCULLAR

GLAIZA ESCULLAR

HUWEBES

MARSO

NADAMA

PEBRERO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with