MANILA, Philippines - Pag-aaralan ng MalaÂcañang ang panukalang ideklara si Gat. Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng bansa kaysa kay Emilio Aguinaldo.
Sinabi ni Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, kailangang konsultahin pa dito ni PaÂngulong Aquino ang mga experts gayundin ang iba’t ibang ahensiya hinggil sa kahilingan ng Manila City at ng Kongreso na ideklara si Bonifacio bilang kauna-unahang paÂngulo ng Pilipinas.
Si Bonifacio ang nagtayo ng Katipunan at naÂnguna sa paglaban para sa kalayaan ng bansa laban sa Spanish rule.
Hiniling ni Manila Councilor Yul Servo na ideklara si Bonifacio na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas dahil ito ang nagtatag ng first national government mula Agosto 24,1896 hanggang sa paslangin ito noong Mayo 10, 1897.
Ang kinikilala naman na kauna-unahang paÂngulo ng Pilipinas sa kasaysayan ay si Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa nitong pagdedeklara ng kalayaan sa balkonahe ng tahanan nito sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898.
Ipinagdiriwang ng bansa ngayon ang ika-150 taong kaarawan ni Bonifacio kung saan paÂngungunahan ito ni PaÂngulong Aquino sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.