MANILA, Philippines - Upang masagip ang buhay, isang ama na ka bilang sa mga nag-exodus sa Tacloban City sa delubyo ng pananalasa ng bagyong Yolanda ang inilagay sa loob ng refriÂgerator ang kaniyang 10-buwang sanggol na lalaki.
Sa ulat na nakara-ting sa AFP-Central ComÂmand, si Rolando Primacio, 21 anyos ay kabilang sa mga residente ng Tacloban City na dumating sa Cebu City lulan ng C130 plane, siyam na araw matapos ang insidente.
Base sa salaysay ni Primacio, nang pumasok ang ru magasang tubig dagat sa kanilang kubo na natanggalan ng bubong at lumubog sa tubig baha ay nagkahiwalay sila ng kanyang misis na si Riza Tinonas, 19 anyos.
Sa nasabing insiÂdente ay minalas na mamatay ang kaniyang biyenang lalaki, lolo at lola ng kaniyang misis nang tangayin ng ‘storm surge’ na rumagasa sa lungsod.
Sa lakas ng agos ng tubig dagat ay inilagay niya sa loob ng isang lumuÂluÂtang na refrigerator ang kaniyang sanggol na si Jhon Mar Primacio upang mabuhay at makaligtas saÂkaling magkahiwalay sila.
Laking pasasalamat naman nito ng makaligÂtas rin sa insidente ang kaniyang misis na kasama nitong lumapag sa airport ng Cebu City.
Sa kasalukuyan ay nakituloy sa kanilang kamag-anak ang pamilÂya Primacio sa bayan ng Minglanilla, Cebu.
Ayon naman kay AFP Central Command Spokesman Lt. Jim Aris Alagao, patuloy ang kanilang paghahatid ng mga residente na isinasakay sa C130 plane ng Philippine Air Force at US Air Force sa Cebu na galing sa Leyte at Samar.