Mall niransak ng mga residente

MANILA, Philippines - Matapos ang pananalasa ng super bagyong Yolanda, pinasok ng mga residente sa Tacloban City, Leyte ang isang kilalang mall sa siyudad at nilimas ang mga paninda rito.

Sa isang exclusive report ng ABS-CBN, mistulang niransak ng mga mamamayan dito ang Gaisano Mall at nagkanya-kanya ng bitbit ng mga mapapakinabangan.

Mga groceries, damit, bag, appliances at pati ice cream freezer ang sinasabing tinangay ng mga residente.

Maging ang tindahan ng gamot ay hindi rin umano pinatawad ng mga ito.

Nabatid na hindi pa nakakarating sa kaalaman ng pulisya ang naganap na malawakang looting sa Gaisano.

Nadismaya naman ang mga nakapanood ng video ng looting sa inasal ng mga residente.

 

Show comments