Weather updates dapat sa wikang Filipino

IMUS, Cavite, Philippines -- Muling iniutos ni Pangulong Aquino­ sa Philippine Atmospheric, Geophysical, Astrono­ mical Services Administration (PAGASA) na isalin sa wikang Filipino at simpleng pananalita ang pagbibigay nila ng weather updates.

Sinabi ng Pangulo na hindi lamang dapat sa wikang­ Ingles nagbibigay ng weather updates ang PAGASA sa taumbayan kundi sa wikang Filipino upang mas mabilis na maintindihan ng taumbayan ang nais ipabatid ng weather bureau sa kanila.

Ayon pa kay PNoy, dapat ay gawing simple at mas madaling maintindihan ang pagbibigay ng weather updates upang lubos na maunawaan ito ng pangkaraniwang Pinoy.

“Iyong paalala lang natin nung nag-umpisa tayo puro mga storm signal lang e normally hangin ang pinag-uusapan. So inutos natin na kung ulan ang issue­ dapat maintindihan ng tao ano ba ibig sabihin? So ang problema nga, pag-iniisip natin iyong milli­meter, parang napakaliit. Pero ‘pag maraming milli­meter e talagang malaki ang pinsala ‘nun,” giit pa ni PNoy matapos mamahagi ng relief goods sa bayan ng Imus at Kawit kahapon.

­

Show comments