DOH walang anniv. bonus kay PNoy

MANILA, Philippines - Luhaan ang mga empleyado ng Department of Health (DOH) matapos na walang inanunsyong bonus sa kanila si Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng kanilang 115 taong anibersaryo kahapon.

Nadismaya ang mga empleyado ng DOH matapos walang marinig na anunsyo na bibigyan din sila ng bonus tulad ng ginawa ni Pangulong Aquino sa empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagdiwang ng kanilang anibersaryo nitong nakaraang linggo.

Magugunita na mismong si Pangulo ang nag-anunsyo na tatanggap ng tig-P10,000 ang bawat opisyal at empleyado ng DPWH bilang anniversary bonus.

Nagpasalamat lang si Pangulong Aquino sa DOH officials at emplo­yees sa walang pagod nitong pagtupad sa kanilang tungkulin upang isulong ang health reform programs ng pamahalaang Aquino.

Show comments