MANILA, Philippines - Maaaring makulong ng hanggang 15 taon ang sinumang magnanakaw ng traffic signages at manhole.
Layunin ng House Bill 6886 na inihain ni Agham party list Rep. Angelo Palmones na mapigilan ang talamak na nakawan ng traffic signages at manhole na inilalagay ng DPWH na siya namang nagsisilbing proteksyon laban sa mga aksidente at disgrasya sa lansangan.
Nito lamang Enero ay 42,558 piraso na ang nananakaw at naba-vandalize na siyang itinuturong dahilan ng maraming aksidente sa lansangan.
Ganito rin ang parusa sa mga magbebenta o bibili ng ganitong nakaw na devices.
Ang mga maninira naman ng traffic signages o road signs ay makukulong ng 10 taon at multang hanggang P150,000.
Sinadya umanong taaÂsan ang parusa rito kumÂpara sa ordinaryong krimen ng pagnanakaw dahil ang pagtangay o paninira ng road signs ay buhay na ang nakasalalay.