MANILA, Philippines - Magkakaroon ng mas mababang generation rates ang Manila Electric Company (Meralco) sa taong 2013 matapos ang paglagda nito ng kontrata sa mga bagong supplier ng kuryente.
Ayon sa Meralco, magkakaroon ng 19 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na bawas sa kuryente dahil sa mas mababang presyo ng kuryente mula sa limang bagong kontrata na pinirmahan nito sa Semcalaca, South Premiere Power Corp., San Miguel Energy Corp., Masinloc Power Partners at Therma Luzon.
Ang bagong contracted supply ay may katumbas na karagdagang 2,850 megawatts.
Umaasa ang Meralco na mas mapapababa pa ang presyo ng kuryente sa sandaling makakuha silang muli ng kuryente mula sa sariling generating facility ng Meralco.