46 foreign fugitive nasakote ng BI

MANILA, Philippines - Nasakote ng Bureau of Immigration (BI) ang 46 na puganteng dayuhang nagtatago sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David, Jr., ang mga wanted na dayuhan ay nadakip ng fugitive search unit (FGU) ng ahensiya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Karamihan naman aniya sa mga takas na dayuhan ay naipatapon na sa kanilang mga bansa upang harapin ang mga kasong kriminal.

Hindi na rin aniya maaa­ring makabalik sa Pilipinas ang 46 foreigner dahil inilagay na sila sa blacklist.

Pinakamarami ang Americans sa bilang na 21; kasunod ang Koreano, 7 at pumapangatlo ang Chinese, 5.

Kasama rin sa mga pugante ang 3 Japanese,  2 Britons, 2 Austrians, 2 Taiwanese, isang Greek, isang Dutch, isang Australian, isang Swiss, isang German at isang Irish.

Karamihan sa kanila ay sangkot sa sex crimes gaya ng rape, sexual assault, child molestation at  child pornography habang iba sa kanila ay wanted sa murder, robbery, narcotics distribution, fraud, and swindling.

 

Show comments