Pagdinig sa tax evasion ni Corona naudlot

MANILA, Philippines - Dahil umano sa flu, naudlot ang itinakdang pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa kasong tax evasion laban kay dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, kahapon ng umaga.

Ayon sa pinuno ng panel of prosecutors na si Senior State Prosecutor Roseanne Balauag na dumidinig sa kaso, hiniling ng counsel ni Corona na si Atty. Anacleto Diaz na itakda na lamang sa Biyernes ang susunod na pagdinig.

Ang naturang mosyon ay pinahintulutan naman ng lupon ngunit binalaan ni Balauag ang kampo ni Corona na dumating man siya o hindi sa nasabing araw ay magiging huling araw na iyon ng paglilitis sa kaso ng tax evasion laban kay Corona.

Tiniyak ni Balauag na idedeklara na nilang deemed submitted for resolution ang kaso.

Una ng ipinagharap ng tax evasion case ng BIR si Corona dahil sa sinasabing hindi tugma ang deklarasyon niya ng kayamanan sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Show comments