Oban itinalagang DOTC Usec.

MANILA, Philippines - Itinalaga si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Oban Jr. bilang bagong undersecretary ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin La­cierda, papalitan ni Oban si Rafael Santos na inilipat naman sa Department of Interior and Local Government (DILG). Kinuha si Oban ni DOTC Secretary Emilio Abaya bilang undersecretary for operations ng DOTC.

Matatandaan na ipinangako ni Oban ng maupo itong chief of staff ng AFP na makakasama siya ng Pangulo sa pagtahak sa tuwid na daan.

Nagtapos si Oban sa Philippine Military Academy at miyembro ng “Matapat” Class of 1979.

Inihayag din ni Lacierda na si dating National Treasurer Roberto Tan ay itinalaga naman bilang under­secretary ng Department of Finance.

Show comments