^

Bansa

Apela ng magsasaka, pagtaas ng buwis dahan-dahan lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng nalalapit na pagsalang ng sin tax bill sa bicameral conference meetings sa susunod na linggo, umapela ang mga magsasaka ng tobacco sa Senado at sa Kamara na bumuo ng isang tax law na kung saan magiging “gradual at moderate” ang pagtaas ng buwis.

Ayon sa PhilTobacco Growers Association (PTGA), dapat ding mas paboran ng mga mambabatas ang mga local manufacturers sa halip na mga premium imported brands.

Sinabi ni PTGA president Saturnino Distor, ba­ gaman at nagkaroon ng ‘significant improvement’ sa panukalang ipinasa ng Senado, malalagay pa rin sa alanganin ang kapakanan ng mga magsasaka ng tobacco at mga small cigarette manufacturers kung saan ang target ay ang mga low-income consumers.

Sabi ni Distor kahit pa nabawasan ang itataas na buwis sa bersiyon ng Senado, hindi pa rin masasabing nakatulong ito sa mga magsasaka ng tabako.

Inihayag pa ni Distor na dapat namang paboran ng mga mambabatas ang lokal na sigarilyo kaysa sa mga banyagang kumpanya.

 

AYON

DISTOR

GROWERS ASSOCIATION

INIHAYAG

KAMARA

SABI

SATURNINO DISTOR

SENADO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with