^

PSN Palaro

Warriors kumuha ng NBA Cup playoff spot

Pilipino Star Ngayon
Warriors kumuha ng NBA Cup playoff spot
Nakalusot si Andrew Wiggins ng Warriors mula sa depensa ni Trey Murphy III ng Pelicans.

NEW ORLEANS — Nagbagsak si Andrew Wiggins ng 30 points at nakahugot ang Golden State Warriors ng isang knockout round spot sa NBA Cup mula sa 112-108 panalo sa Pelicans.

Umiskor si Stephen Curry ng 19 markers para sa Golden State (12-3) na may 3-0 record sa West Group C.

Isinalpak ni Buddy Hield ang dalawang free throws sa huling 18.5 segundo para makuha ng visiting team ang isang wild card kung hindi magiging group winner.

Pinamunuan ni Trey Murphy III ang New Orleans (4-13) sa kanyang 24 points subalit naimintis ang isang 3-pointer sa nalalabing limang segundo.

Sa Washington, gumawa si Jaylen Brown ng 31 points sa 108-96 paggiba ng nagdedepensang Boston Celtics (13-3) sa Wizards (2-12).

Sa Milwaukee, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 37 points, 11 assists at 10 rebounds sa kanyang ikalawang triple-double sa huling apat na laro para gabayan ang Bucks (7-9) sa 129-117 paggupo sa Indiana Pacers (6-10).

Sa Chicago, bumanat si Zach LaVine ng 26 points  sa 136-122 dominasyon ng Bulls (7-10) sa Atlanta Hawks (7-10).

Sa Houston, naglista si Dillon Brooks ng season-high 28 points sa 116-88 pagpapasabog ng Rockets (12-5) sa Portland Trail Blazers (6-10).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with