P10.2 milyong shabu nasabat ng PDEA
MANILA, Philippines — Aabot sa P10.2 milyong halaga ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Capital Region mula sa isang ‘tulak’ sa Las Piñas City.
Arestado si Ansano Sarif Ampuan alyas Salim.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 4 hapon kahapon nang ikasa ng PDEA ang anti illegal drug sa Almanza 1, Las Piñas City.
Nakuha kay Ampuan ang nasa 1.5 kilo ng illegal drugs na may halagang P10,200,000.00, mga ID, cellphone at sasakyan.
Matagal na umanong minamatyagan ng mga awtoridad ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong sa Sections 5 at 11 of Art. II ng RA 9165.
- Latest