CBCP suportado ang 'EDSA Tayo'

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Miyerkules sa isasagawang kilos protesta na tinawag na "EDSA Tayo" kontra pork barrel sa EDSA shrine.

Sinabi ni CBCP president Cebu Archbishop Jose Palma na suportado ng CBCP ang panawagan ng publiko sa pagbasura sa pork barrel system at ang presidential special funds ni Pangulong Benigno Aquino III na gagawin sa EDSA shrine sa Setyembre 11.

"We are not making a formal statement...People have already organized. Ours is an expression of solidarity. What we are saying is to let people join but we are not organizing that. It’s about time that people manifest their own conviction," banggit ni Archbishop Palma na hindi makakadalo dahil sa International Eucharistic Congress.

Tulad ng “Million People March” ay nagsimula lamang din ang EDSA Tayo sa social networking site tulad ng Facebook at Twitter.

Iginiit ni Palma na ang Project Development Assistance Fund o mas kilala sa tawag na pork barrel ang ugat sa kasakiman at korapsyon sa bansa.

Dagdag niya na dapat ay makagawa ang gobyerno ng mas maayos na paraan kung paano maipapaabot sa publoko ang mga pangunahing serbisyo nila.

 "We want PDAF to be (abolished) and find ways to reach out to the poor," sabi ni Palma.

Show comments