MANILA, Philippines – Ligtas na ang tatlong Pilipinong nars na dinukot noong nakaraang Martes, ayon sa migrant workers’ rights group.
Sinabi ni Migrante vice chairperson John Monterona na iniligtas ng awtoridad ng Libya ang tatlong Pilipino na ngayon ay nagpapahinga sa Sebha, Libya.
Dagdag ni Monterona na nitong kamakalawa nailigtas ang tatlong nars ng Al-Sebha Medical Clinic.
Dahil sa takot, hiniling ng mga biktima na ilipat sila sa kabisera ng Libya na Tripoli.
Napag-alamanan na ang tsuper ng sinakyang taxi ng mga biktima ang nadukot sa kanila.
"Motive is robbery. But there was an attempt by the culprit to rape the female OFW nurse. Both male OFW nurses fought back at their abductor until they managed to run away and get the attention of local residents," sabi ni Monterona.