MANILA, Philippines – Inararo ng isang pampasaherong dyip ang isang grupo ng mga tao matapos itong mawalan ng preno habang tumatakbo sa isang highway sa Antipolo City nitong Lunes ng umaga.
Tatlo katao ang sugatan sa insidente at dalawa sa kanila ay isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, humamahurot ang dyip na na biyaheng Antipolo-Marikina na minamaheo ni Leodis Salga nang mawalan ito ng preno bandang 9 ng umaga sa kahabaan ng Sumulong Highway sa Barangay Dela Paz.
Matapos araruhin ang mga tao sa gilid ng highway, humampas ang dyip sa isang puno ng mangga.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injury ang tsuper na si Salga.