^

Balita Ngayon

RH advocate kumpiyansang papanigan ng SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si dating Akbayan party-list representative Risa Hontiveros-Baraquel na babawiin din ng Korte Suprema ang inilabas nitong 120-day status quo ante order at itutuloy ang pagpapatupad ng Reproductive Health (RH) law.

Sinabi ni Baraquel ngayong Miyerkules na papanig din ang korte sa pagpapatupad ng RH Law pagkatapos ng oral argument sa Hunyo 18.

"Until this moment, puno pa rin ng pag-asa ang puso ko na sa huli, pagkatapos ng oral arguments, (the SC will uphold the RH Law's consitutionality). Iyon ang aking pag asa, iyon ang aking panalangin talaga," pahayag ni Hontiveros-Baraquel.

"So we will put our best arguments, our best foot forward para sabihan na wala naman pong inilalabag sa ating Konstitusyon,” dagdag ng dating kongresista.

"Maraming minuto, oras sa both Houses of Congress ang inilaan para siguruhin na constitutionally solid ang foundation nitong RH law ...iyon din ang naging laman ng ilan sa tatlong sets ng amendments na pinasok sa  RH bill para maging itong higit na katanggap-tanggap ng majority sa both houses of Congress," sabi ni Hontiveros-Baraquel.

Pero nangangamba si Hontiveros-Baraquel na baka magpatuloy pa rin ang pagpapatigil ng pagpapatupad sa batas dahil sa patuloy na pagkontra ng mga kritiko nito, ngunit iginiit nitong hindi sila titigil na depensahan ang batas.

"Well in life anything is possible at dahil nga kinasuhan ang RH law sa SC. Talagang may ganoong posibilidad. Ang RH law kasi parang baby po namin iyan and just like ang mga nanay proprotektahan talaga iyong mga anak natin in any circumstances, talagang dedepensahin pa rin namin itong RH law," she added.

Sinabi pa ni Hontiveros-Baraquel na sa 120-araw na pagpapatigil ng batas ay kasabay nito ang 11 kababaihang nasasawi bawat araw dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis.

"Ang tagal na itong pinag-usapan at hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako. Sa sitwasyong ito ang napipinsalaan ay iyong mga kabaro natin, at least 11 ang namamatay araw-araw na mapipigilan naman sana sa komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak.”

Kaya naman iginiit ng dating kongresista na patuloy ang kanilang panawagan upang ipatupad na ang batas para sa kapakanan ng kababaihan sa bansa.

"So 120 days na tatakbuhin ng order, that's 1, 320 women, so iyon pa rin ang sitwasyon ng mataas ng maternal mortality rate na tingin ko at tingin ng mga kapwa nanay ko na nagfile ng motion for reconsideration ay humihingi pa rin, nag-huhumiyaw pa rin para sa implementasyon ng RH law," dagdag ni Hontiveros-Baraquel.

BARAQUEL

HONTIVEROS-BARAQUEL

HOUSES OF CONGRESS

KORTE SUPREMA

LAW

REPRODUCTIVE HEALTH

RIN

RISA HONTIVEROS-BARAQUEL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with