Tulak nagbenta ng droga sa PDEA agent

MANILA, Philippines – Aabot sa 50 gramo ng shabu ang nasabat mula sa hinihinalang tulak ng droga sa Pampanga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. nasakote sa isang buy-bust operation ang 24-anyos na si Jennelyn Gonzales ng Purok 3, Barangay San Jose, San Fernando, Pampanga.

Binentahan ni Gonzales ng droga ang tauhan ng PDEA na nagpanggap na buyer noong Marso 22 bandang 4 ng hapon sa Panlumacan, San Jose, San Fernando, Pampanga.

Kaagad dinakip ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 3 ang suspek matapos matanggap ang P500 marked money kapalit ang dalawang pakete ng shabu na may bigat na 50 gramo.

Show comments