MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dalawang flower shop matapos dahil sa umano'y hindi pagbibigay ng resibo sa mga mamimili.
Nahaharap sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 sina Sylvia Pimentel, may-ari ng Flowers by Sylvia sa lungsod ng Makati; Belen Bactad at Fe de Belen Bactad de Leon, ang pangulo at treaturer/secretary ng Casa Flores Inc.
"Two BIR investigators acted as poseur customers who bought flowers from Pimentel’s flower shop. Her establishment did not issue to the first buyer any official receipt but instead issued an unregistered provisional receipt that did not conform to the invoicing requirements provided under the Tax Code. It still failed to issue any receipt to the second buyer but instead issued for the second time an unregistered provisional receipt," pahayag ng BIR.
Sa kaso naman ng Casa Flores, sinabi ng BIR na nagbigay lamang ang mga tauhan sa tindahan nito ng unregistered delivery receipt na walang invoicing requirements ng Tax Code.
"It likewise failed to issue any receipt to the second buyer but issued a cash invoice only upon demand," dagdag ng BIR.
Ayon sa BIR, pinakitaan ng mission order ang mga flower shop bago kinumpiska ang mga invoice booklets ng mga ito.