Kilabot na tulak sa Baguio, huli sa buy bust

MANILA, Philippines – Tiklo ang pinaghihinalaang pinakakilabot na tulak ng droga ng lungsod ng Baguio, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.

Naaresto ang 45-anyos na si Armando Sotero Jr. na kilala rin sa alyas na Jun, habang lulan ng kanyang kotse malapit sa kanyang bahay sa Baranggay Bakakeng Norte, sabi ng PDEA.

Idinagdag ng PDEA na nangunguna sa listahan ng mga drug personalities sa lungsod si Sotero na nadakip bandang alas-6 ng gabi noong Linggo.

Binentahan ng suspek ang isang undercover agent ng PDEA ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nabawi ng mga awtoridad kay Sotero ang tatlo pakete ng shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Sotero.

Show comments