MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon nito sa P120.5 million na tax evasion case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na itinakda ngayong Martes.
Tinamaan ng trangkaso si Corona kaya hindi siya nakadalo sa DOJ, dahilan upang maiurong ang imbestigasyon sa Biyernes.
Ayon kay Senior State Prosecutor Roseann Balauag kinausap ng legal na tagapayo ni Corona ang pinuno ng panel ng mga piskal na humahawak sa kaso upang hayaan munang makapagpahinga ang dating mahistrado bago piliting padaluhin sa imbestigasyon.
Sinabi naman ni Balauag na kung hindi pa rin dadalo si Corona ay mapipilitan ang investigating body na maglabas ng resolusyon nang hindi dinidinig ang panig ng dating mahistrado.
Isinampa ng Bureau of Internal Revenue ang P120.5-milyon tax evasion case kontra kay Corona dahil sa maling paglalagay nito ng mga impormasyon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Ito rin ang naging rason kaya siya natanggal sa kanyang pwesto.