Poll officials sa Lanao umalma sa pagkakatanggal sa ERB

MANILA, Philippines – Kinondena ng mga election officials ng Lanao del Sur ngayong Miyerkules ang pagtanggal sa kanila bilang Election Registration Board (ERB) chairmen na hindi idinaan sa tamang proseso.

Ang pagtanggal sa mga naturang poll officials ay ginawa ng Comelec bago ang nakatakdang pulong ng ERB mula Nobyembre 26 hanggang Nobyembre 30 para payagan o hindi ang mga pinasang aplikasyon para sa pagparehistro ng mga botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong Hunyo.

Sa isang memorandum sa Commission on Elections (Comelec) en banc, sinabi ng mga poll officials sa pangunguna ni Lanao del Sur Provincial Election Supervisor Atty. Nasib Yasin na nagulat sila sa biglaang pagpapaals sa kanila sa board.

Anila, nalaman lamang nila sa minute-resolution ng Comelec noong Nobyembre 6 ang pagpapatalsik sa kanila sa ERB.

"It is sad to note that the rationale of such plan is unknown to the undersigned personnel and still in quandary thereof, there being no information except through Minute-Resolution," pahayag nila.

"Anent to the plan to deploy Eos from non-ARMM areas to be designated as chairman of the Election Registration Board (ERB) to the two cities and 116 municipalities of ARMM relative to the November 26-30, 2012 ERB meeting, attached herewith is the number of Eos to be sourced out from non-ARMM regions as well as the proposed budgetary requirements," anang Comelec sa resolusyon.

Tinukoy ng mga dismayadong tauhan ng Comelec ang probisyon sa Republic Act 8189 o ang the Voters’ Registration Act, kung saan tanging mga miyembro lamang ng ERB na may kaugnayan sa nakaupong opisyal sa isang bayan ang awtomatikong diskwalipikado mula sa board.

“Not all the election officers of this province are operating under the aforesaid prohibition. Those affected which are very minimal are acted or being acted by the provincial election supervisor,” sabi nila. Dennis Carcamo

Show comments