Naging usap-usapan ang pagiging active ni Karla Estrada sa TikTok dahil sa sunud-sunod niyang post matapos ang umbagan issue ng ex niyang si Jam Ignacio at fiancée nitong si Jellie Aw.
Una niyang post ay habang nagpa-pamper siya na parang super happy nga niya.
Habang kasunod nito ay simpleng pangiti-ngiti lang siya na may background music.
Sa ikatlo niya namang TikTok video ay nag-dub siya ng “I mean I don’t even know why you girls bother at this point. Like, keep it up, it’s me, I win, you lose,” na tila pasaring daw sa nabugbog na fiancée ng ex niya.
Halu-halo ang naging opinyon ng mga follower niya dahil bakit parang masaya pa raw ito na may kapwa babaeng nabugbog.
Maaalala kasing ilang oras bago binugbog ang club DJ at social media personality ay nag-post ito ng diumano’y pang-aasar kay Karla.
Habang nagpapa-manicure kasi ito ay “Ms. Carla” ang pangalan ng kanyang manikurista. Nilagyan niya iyon ng caption na “ayoko nlng nagtalk emeeee. Go ate Carla.”
At sa isa pa niyang post ay litrato ng fiancé na si Jam habang umiinom ng kape kung saan tinag niya ito at sinabing “inip kana? ate carla pabilis daw hehe!”
Kaya mukhang kinarma raw ito ayon sa mga netizen dahil matapos nga niyang i-post iyon ay nabalita naman na bugbog-sarado na siya.
Sey naman ng ibang mga netizen ay kahit ano raw sama ng ugali ay hindi raw deserved mabugbog.
Sey nga ng iba ay winner pa rin ang nanay ni Daniel Padilla at nasa kanya nga raw ang huling halakhak. ‘Kaloka.