Dalawang buwan matapos ang pinagpistahang “cheating controversy” okay naman daw ang working relationship nina Maris Racal at Anthony Jennings sa Incognito.
Ayon mismo kay Maris, sa set ay supportive naman daw sila sa isa’t isa.
“Right now sa set, we’ve been really supportive of each other when it comes to the scenes,” pahayag ni Maris sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN bago tumulak ang aktres patungo sa Berlin, Germany.
“Like we see to it that we make the scenes as natural as possible still, like the scenes that we used to do in Can’t Buy Me Love. Like we still have that energy on set, focus kami sa work ngayon,” aniya pa.
Ayon pa sa aktres ay professional lang daw sila.
Natanong din kung wala ba siyang galit at saad niya, “wala. Like I said, inner work. It’s really best to be in tune with your soul, your spirituality so that it reflects on the outside.”
Sa ngayon daw ay naka-focus siya sa spiritual aspect ng buhay niya.
“I feel like I am more in tuned with God now. Just be present wherever I am,” sey niya.
At the height of the controversy, mas pinili na lang daw niyang ibaling sa iba ang kanyang energy para makatulong sa kanyang pagbangon.
“Yes, nagbundok ako. I wrote songs. I did a lot of things that could help me with my mental health,” saad ng dalaga.
Samantala, kasalukuyang nasa Berlin na si Maris para dumalo sa Berlin International Film Festival kung saan kasali sa kumpetisyon ang kanyang pelikulang Sunshine.
Kim, inaalala kung ba’t sumadsad ang career
Aminado si Kim Chiu na naranasan na niya ang sumadsad talaga ang career at kumbaga, ma-hit ng rock bottom.
Ito raw ay noong time na nagkaroon ng kontrobersiya sa kanya dahil sa “bawal lumabas” statement niya.
Matatandaang matinding pamba-bash naman talaga ang naranasan ng aktres during those times kung saan nga ay nagbitiw siya ng nakakalitong statement noong 2020 tungkol sa batas ng classroom.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalimutan ni Kimmy at naalala na naman niya itong muli sa It’s Showtime nitong nakaraang Miyerkules.
Kim revealed na plinano na raw niya na umalis na sa showbiz at magpunta na lang sila sa Canada ng pamilya.
“Uuwi na akong Canada talaga. As in nag-aalsa balutan na kami,” aniya.
Biniro naman siya ni Vice Ganda na sinabi nga niyang bawal lumabas pero siya pala ang mag-aalsa balutan. Tawa nang tawa ang aktres.
Pero sey niya ulit, “totoo ‘yun. Kasi lahat ng tao, parang bobong-bobo na sa ‘kin. ‘Yung parang ‘ano ‘to, nakasagasa ba ako ng isang barangay?’”
Sabi naman ni Vhong Navarro, “pero nakita mo naman, nagbenta ka pa ng merch, ‘bawal lumabas.’ Kita mo, pinagkakitaan pa talaga, ‘di ba?”
Um-agree naman si Vice at aniya, “you were able to turn it around with the help of wonderful people around you.”
Na-teary-eyed naman si Kim, at aniya, “totoo, give-up na talaga, ayoko na mag-artista, uwi na ako, pero ‘eto pa rin ako.”
In fairness, madali namang nakabawi si Kim at ngayon nga ay patuloy pa ring namamayagpag ang career.