Dinismiss ng Pasay Metropolitan Trial Court ang isa sa charges na isinampa laban sa independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz kaugnay ng umano’y sexual assault na inireklamo ni Sandro Muhlach.
Ayon sa Pasay Court, ang acts of lasciviousness ay “overkill” dahil puwede itong makonsidera na elemento ng rape through sexual assault.
Ayon sa Korte, “Indeed the acts of lasciviousness being complained of before this court are necessarily included in the charge of rape before the RTC.
“Again, the prosecution resorted to an overkill by filing the instant information for Acts of Lasciviousness when clearly the acts are constitutive and/or simultaneous and are deemed absorbed in the rape case with the alleged sole intent and purpose of arousing and ultimately gratifying the accused own sexual desires,” dagdag na pahayag ng Korte.
Sinikap ng GMA Integrated News na hingan ng komento ang kampo ni Sandro as of this time.
Sharon, nagpakita sa proklamasyon
Visible rin si Sharon Cuneta sa kick-off proclamation rally ng asawang si former senator Kiko Pangilinan sa Cavite nung Martes.
May isang performer na kasama si Sharon na suportado ang kandidatura ni Kiko sa pagbabalik nito sa Senado.
Sa totoo lang, sa kampanya ngayon, nagagamit na rin ang social media influencers sa kandidatura for national position.
Makatulong kaya sila?
Basta, happy, happy Valentine’s Day sa kahat ng readers ng Pang Masa! Stay in love!