Ashley at Mavy, planado na ang araw ng mga in love

Fourth boyfriend na pala ni Ashley Ortega si Mavy Legaspi as per her kuwento kay Boy Abunda when she guested in Fast Talk with Boy Abunda, pero today lang siya makaka-experience ng Valentine’s Day date. Laging may nangyayari sa past relationship niya kaya hindi niya na-experience magka-V date.

“Actually, first time ko magkaroon ng Valentine’s Day ng Feb. 14.  So, I think it’s a first for me also to experience it. Kasi ‘yung mga past ko before sablay lagi,” share ni Ashley.

“‘Yung una ko, parang we broke up before Valentine’s Day. The second one was LDR. He was in the States. ‘Yung pangatlo naman, nasa lock-in taping ako. So, hopefully, sana hindi ma-jinx this Friday. Matuloy na,” sabi ni Ashley.

Nabanggit ni Ashley na sa isang restaurant sila magse-celebrate ni Mavy at wish ng kanilang fans, hindi ito ang maging first. Sana raw, sila pa rin ang magkasamang magse-celebrate ng Heart’s Day sa mga susunod na taon.

Wala naman sigurong pag-aawayan sina Ashley at Mavy, lalo na ang age gap nila. Sa bashers lang isyu ang three-year age gap ng dalawa dahil 26 years old na ang aktres at 24 years old naman si Mavy.

Barbie, nagchi-chill sa Korea

Wala ring aabangan ang BarDa fans na makitang magkasama, kahit hindi magka-date today, Valentine’s Day sina Barbie Forteza at David Licauco. Ito ay dahil wala sa bansa si Barbie, nagbabakasyon ang aktres sa South Korea at si David ay nasa Pilipinas.

Sa Instagram Story ni Barbie, makikita siyang namamasyal sa South Korea, hindi pa nababanggit kung sino ang kasama niya dahil solo photos lang niya ang nakikita sa reels.

Mukha ngang in-enjoy ni Barbie ang kanyang “solo era” at kung saan-saan nga siya spotted. Bago lumipad pa-Korea, nakita siya sa Rockwell at tumatakbo sa UP Diliman at Makati City.

Dapat ding intindihin ng fans ng dalawa na malabo silang makitang magkasama dahil si Sanya Lopez ang kasama o kapareha ba ni David sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan. Mahirap i-promote ang movie kung spotted si David with Barbie, unless, aksidente silang magkikita gaya sa UP Diliman kung magkakasabay tumakbo, bagay na hindi pa nangyayari.

Si Barbie naman, iba ang kasama sa pelikulang P77, pero malaki ang posibilidad na sila ni David ang magtatambal sa movie na Moments of Love: On Borrowed Time dahil may mga paramdam na.

TF sa tanong…, dinonate ni Jessica sa staff

Marunong magpasalamat si Jessica Soho sa kanyang staff at mga nakakatrabaho. Nabasa namin ang Facebook post ni Nessa Valdellon sa ginawa ni Jessica to show her gratitude sa staff ng Tanong ng Bayan.

Sabi ni Nessa, “Ma’am Jess donated her talent fee for Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off to host a grand lunch for everyone involved in the production. Thank you Ma’am for this bonding opportunity and congrats to our Kapusos from Public Affairs, Integrated News, Engineering, PSD and Script for being part of this special.”

Naalala tuloy namin ang kuwento na kaya mahal si Jessica ng kanyang staff at sinumang makatrabaho dahil mabait, grateful at appreciative. Kita n’yo naman, kahit hindi niya birthday at hindi Pasko, may pa-lunch siya.

Show comments