Ex ni Karla, ipapakulong ng fiancee na binugbog?!

Jam at Jellie

MANILA, Philippines — Si Karla Estrada ang mabilis na pumasok sa isip ng lahat nang kumalat sa social media ang basag na mukha ng club disc jockey na si Jellie Aw dahil sa diumano’y pambubugbog ng karelasyon (fiancee na) nitong si Jam Ignacio.

Si Jam ang ex ng nanay ni Daniel Padilla.

Grabe ang hitsura ng mukha ni Ms. Aw. Sabi sa post ng kapatid daw ni Jellie: “BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN.

“Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate. ang kapal naman ng mukha mo Jam Ignacio.

“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo ‘yung cellphone. Buti na lang hindi nabasa yung RFID mo sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa Teller sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo ‘yung mga pulis! Wala kang awa.

“Update ko kay ate magpapa-medical na kami ngayon ang magrereport na sa pulis.”

But anyway, kung maraming naawa sa nasabing bar DJ at fiancee ng ex ni Karla, may ibang nagsabi na ‘karma’ niya ito (ng club DJ).

Recently lang ay animo’y may warning si Karla na idedemanda niya ang isang hindi niya pinangalanan Sa kanyang Facebook account, may kinol-out si Karla at sinabing wala siyang oras para rito ngunit ang kanyang abogado ay meron. “Fame whore, Low life people. I don’t have Time for this, But my lawyers (have). Cyber libel here we go,” aniya.

Pero mabilis niya itong binura.

Ang post ni Karla ay matapos siyang paringgan ni Jellie Aw sa social media. “Karla Estrada nanahimik ako! Wag mo damay work ko.

“Nanahimik ako mommy,” sabi niya sa Instagram story.

Last 2023 pa nag-split sina Karla at Jam after almost five years ng relasyon. Maaalalang maraming nag-akalang ikakasal sina Jam at Karla dahil sa pahayag niya sa Magandang Buhay na “Ako, wala akong mapaglagyan ng saya dahil matagal na natin itong hinintay, idinarasal. So you know everything is lifted up to God. Ang mga anak namin eventually kapag lumaki ay may kanya-kanyang pamilya. Might as well tumanda ako hanggang matapos ang buhay ko ay kasama ko ‘yung taong totoong mahal ko at aalagaan ako. So ‘yon lang ang dasal na sana ito na ang maging huli, ito na ang huli. Itong taong ito,” makahulugang pahayag naman ni Karla.”

Habang sinusulat namin ito ay wala pang statement sa social media si Jam.

Iza, matagal naging in denial sa pagiging ina

Ahh si Iza Calzado rin pala ang nag-alaga sa kapatid niya sa ama.

Ito ang inamin ng actress sa tanong kung sa totoong buhay ba ay ‘Caretaker’ siya.

The Caretakers ang title ng movie nila ni Dimples Romana na palabas na sa mga sinehan umpisa ngayong araw.

 “I’m also actually a breadwinner. I’ve been taking care of my family since I was 19. When my mother passed away, my dad (Lito Calzado) was still working, but I had to take care of him and his wives.

“And then, even before I had Deia, I was a mother to one of dad’s kids. I have a brother from my dad’s third – meron akong kapatid na anak ng third wife ng dad ko… na nung pumanaw siya, parang naiwan na rin sa akin. So – but of course, it’s a very –  I don’t want, without his permission, I cannot really divulge more on that. When he’s ready to tell you the story, but I, it’s like a– I’m not the only breadwinner, ‘di ba. So yeah, he didn’t live with me forever. But I am basically, I have to take care of him. So I’ve taken care of a lot of people in my life. My kuya, family, ’yong ganyan, and now, of course, our main family. Bago ‘to sa akin,” mahaba-haba niyang paliwanag sa amin.

“Ngayon, dito na talaga lumabas ‘yong pinakanag-expand ‘yong puso ko. Ito na pala talaga ‘yong selflessness, na ibang level pa of care na na-top. Kasi siguro, my friends would always tell me, ‘No, you’ll be a mom’ and I would always be in complete denial, ‘No, no, no, I don’t think I’ll be a mom. I’m scared of being a mom,’ mga ganyan. I’m afraid of the responsibility of not knowing that I was already nurturing and taking care of others.

“Kasi, when you think of a mother, sometimes you just think of the mother who birthed a child, but it’s not just that. When you say mother, that means you are nurturing this human being, no? And (it) could be a person, a pet, a plant. The whole point, or the environment nga, the whole point is you are nourishing, nurturing, and guiding, hopefully not this person. And in that sense, we can actually be all mothers. Pero feeling ko ito talaga ‘yong first time ko sa buhay ko na fully na-embrace ko ang pagiging mother. And ang pagiging caretaker.

“And like what you said, I really love it, na mahirap lang naman siya kapag – alam mo ‘yon – hindi mo gusto. And when you know – tao ka lang e, may time na napapagod ka talaga – and what I love is always reframe. So when I reframe the pagod to gratitude, and then I realize actually it’s nice that we have the power to be able to take care of them. To nourish and nurture them, doon gumagaan. So, lagi na lang pasasalamat, so pasasalamat po sa trabaho, at mas naaalagaan ko ‘yong mga tao sa buhay ko. Pasasalamat sa pagkakataon na in terms of taking care no, taking care of the talents we’ve also been blessed with. This is a way for us to take care of it, to hone it. So thank you for this opportunity. So ‘yon, ‘yon lang po,” mahaba pa niyang kuwento tungkol sa kanyang pagiging caretaker ng pamilya.

Show comments