Andi at Philmar, nag-drama lang sa social media

Andi at Philmar and Family

Short-lived lang ang ingay na nilikha ng showbiz couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Sa kani-kanyang post, halos iisa ang tinumbok nila – ok na sila!

Kung sinu-sino pa ang nakaladkad sa isyu ng showbiz couple, huh!

Puwede naman palang pag-usapan, gumawa pa sila ng ingay, ‘no?

Young star na hindi sikat, umarte sa interview

Nagkaroon ng mala­king event sa sosyal na hotel ang isang beauty specialist at pinapunta ang kanyang celebrity endorsers.

Eh bago pumasok ang lahat sa ballroom, may short interview ang kilalang guests sa event at endorsers ng produkto dahil streaming ito sa social media page ng produkto.

Lahat ng endorsers eh kinuhanan ng room sa hotel para doon na mag-ayos at magbihis.

Isa sa endorsers ang medyo kilala na ring young star. Bago ang interview niya, pumunta ang kanyang personal assistant upang alamin ang questions na itatanong sa endorser.

Naloka ang host dahil hindi naman talk show ang nagaganap. Rason ng assistant, akala niya eh may intriga.

Pero nakapasok na ang lahat sa ballroom, saka lang bumaba si female young star. Nilapitan niya ang host at sinabing interbyuhin na niya si young star.

Nagulat si host. Sinabihan niya ang personal assistant na ang tagal-tagal niyang naghintay sa lahat ng endorsers, pero hindi bumaba ang young star! Tapos na ang red carpet kaya tapos na rin ang trabaho niya!

Nilayasan ni host ang personal assistant ng late na young star!

Show comments