Mark at Aira, sinasadya ang pagpapakilig?!

Mark at Aira

This Wednesday, Feb. 12, ang Valentine’s Day Special ng magdyowang sina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Aira Lopez.

Hindi nababanggit nina Mark at Aira kung ano ang prizes at sa mga comment, marami ang sasali, lalo na at sinabi ni Mark na puwede silang mag-request kung ano ang gusto nilang matanggap sa Valentine’s Day.

Samantala, marami ang nainggit kay Aira sa pinost na reels kung saan, habang naglalakad sila ni Mark, sa balikat nito nakasabit ang bag ni Aira. Makikita ring ipinagbukas siya nito ng pintuan ng sasakyan at sa isa pang eksena, si Mark ang nag-serve ng kanyang food, inilagay sa plato ni Aira.

Princess treatment daw ang ibinibigay ni Mark kay Aira at hindi nakakagulat kung na-in love ang dalaga sa kanya.

Meron din namang nagsasabi na sana kahit walang kamera ay ganun ang setup nila.

JC, nag-enjoy sa pagpapahirap

Sa Instagram post pa lang ni JC de Vera, ramdam ang excitement sa pelikulang In Thy Name, kung saan, bad character ang kanyang ginagampanan. “Playing a villain for the first time has been an incredible experience and I can’t wait for you all to see it. Thank you Greatzcar Productions for this opportunity!”

Kuwento pa nga ni JC, nang i-present sa kanya ang project, agad niya itong tinanggap at ang kanyang role.

“I really want to do the role. Ako pa ang nag-follow up sa production. It’s not all the time I get to play this kind of role. This is a nice opportunity for me to play this kind of role, this is a good addition to my resume,” wika ni JC.

Gusto rin daw niyang makatrabaho sina McCoy de Leon, Mon Confiado at director Ceasar Soria­no at hindi lang niya makakatrabaho si McCoy dahil bilang si Khadafi Janjalani, leader ng Abu Sayyaf, isa siya sa magpapahirap kay Fr. Rhoel Gallardo.

Ang ganda ng realization kay JC in doing In Thy Name, na-realize raw niya na lahat tayo may strong belief sa religion, anuman ang relihiyon natin at may Diyos na pinaniniwalaan.

Sa March 5, 2025 ang showing ng pelikula ng Great Czar Media Productions at Viva Films. Magkakaroon ito ng premiere night sa Zamboanga, Olongapo, Cebu at Davao at may screening sa Vatican.

Luto… ni Mikee, eere na rin sa GMA

Mapapanood na sa GMA 7 ang Lutong Bahay starting Feb. 16, 6:30 p.m., simulcast sa GTV kung saan, una itong umere. Hosted by Mikee Quintos, welcome na welcome sa Kapuso viewers ng cooking show dahil hindi lang masasarap na recipe ang sine-share sa viewers, magaganda rin ang guest at mga napag-uusapan.

Ang daming isyu na nakukuha from the guests at nanghihinayang nga ang viewers na hindi ito napapanood sa GMA 7.

Wish ng viewers, kahit pumasok na ang mga bagong show ng GMA 7, hindi maalis sa time slot nito ang Lutong Bahay dahil marami ang nalalaman at natututunan ng viewers in every episode.

Show comments