Masaya si Marian Rivera para sa success ng Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Alden Richards and Kathryn Bernardo.
Ayon nga sa pinakahuling ulat ay nasa P566 million ang gross ng HLA sa Pilipinas pa lang at hindi malayong umabot pa sa 1 billion ang over-all gross nito worldwide.
Hindi rin malayong maagaw ng HLA ang record ng Rewind na pinagbidahan naman ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes bilang Highest Grossing Philippine Film of All Time with a worldwide gross of P1.2 billion.
Sa latest interview ng 24 Oras kay Marian ay binati ng aktres ang KathDen for the success of HLA.
“Congratulations sa kanila. Sabi ko nga, after the Balota, nakakatuwa kasi ito na ‘yung momentum ng mga tao na talagang sumusuporta ng mga pelikulang Pilipino,” sey ni Marian.
Wish ng aktres na magtuluy-tuloy na ang magandang kita ng ating local movies.
“Sana ipagpatuloy ng mga Pilipino ang pagsuporta sa kapwa natin,” hiling niya.
Andrea, nagpaliwanag sa pahabol na entry!
May paliwanag na si Andrea Brillantes kung bakit na-late ang paggawa niya ng kanyang entry sa TikTok trend na Piliin Mo ang Pilipinas na nauso ilang buwan na ang nakararaan.
Matatandaang nag-post ang aktres ng kanyang sariling version nito few days ago na talaga namang nag-viral at nag-trending pa rin kahit late na.
In fairness, ang daming pumuri sa video ni Blythe (Andrea) at napakaganda naman talaga kung saan ay 35 looks lahat ang kanyang ginawa including Darna, Maria Clara, Miss Universe, OFW, farmer, driver, magtataho, Katipuneros, security guard, etcetera.
Pero marami rin naman ang nagreklamo na super-late na ang entry ng aktres dahil ang uso na nga raw ngayon ay ang APT Dance Challenge.
Sa kanyang latest Instagram post ay nagpasalamat si Blythe sa suporta ng mga tao sa kanyang video and at the same time ay sinagot din niya kung bakit late na niya ito nagawa. “35 looks. 18 hours. Thank you so much for all the love my video has been receiving. You don’t know how much this means to me.
“To my amazing team, thank you so, so much for helping bring my vision to life!” simula ng aktres.
Ayon kay Andrea, noong May pa raw niya naiisip itong gawin pero naging busy siya that time.
“This idea had been on my mind since the end of May, but at that time, my schedule was too hectic, and the trend was already fading. Medyo alanganin na kung itutuloy ko pa.
“I could have pushed through, but I would’ve had to simplify my vision for this challenge. I didn’t want to compromise because I wanted to give my best effort to represent every Filipino and truly capture what it means to be one,” paliwanag ng aktres.
“I dedicate this sa ating mga Bayani who fought for our freedom, to our families who serve as the heart of our culture, to our modern-day heroes, our indigenous communities, our global icons and national pride, and every hardworking Filipino out there,” patuloy niya.
Ipinaliwanag din ni Andrea na hindi naman niya ito ginawa for the uso or trend kundi nais niyang ipakita ang pagmamahal niya sa mga kapwa-Pilipino at kung gaano rin siya ka-proud sa kanyang lahi.
“In the end, I decided to go for it before the year ended because this wasn’t just about following a “trend.” I did it to show my love for Filipinos and how proud I am to be Pinoy!” pagtatapos ng aktres.