Kahit nagkalat na ang Mar-Vi tarpaulin Ate Vi inulit na hindi interesadong mag-VP
MANILA, Philippines – Nilinaw ni Governor Vilma Santos-Recto ‘yung tungkol sa naka-display na tarpaulin sa Batangas na nakasaad doon ang MAR-VI For 2016! May kinalaman ito sa top two national positions na paglalaban sa eleksyon next year.
“Wala akong alam diyan! Not even (Sen.) Ralph (Recto)!” bahagi ng text sa amin ng Batangas governor.
Isa kasi si Gov. Vilma sa kinukunsiderang ka-tandem ni Sec. Mar dahil wala pang klarong desisyon si Senator Grace Poe kung Presidente o Bise Presidente ang tatakbuhan. Eh, last term na ng gobernadora kaya naman marami ang naghihintay sa kung tatakbo ba siya sa isang executive position.
“Maraming-maraming salamat sa Batanguenos!!! Hindi ko makakalimutan ang Batangas. Lalo sila ang nagbigay-tiwala sa akin na mapagsilbihan sila ng 18 years…Salamat! Mahal ko Batanguenos at Batangas…
“Pero walang MAR-VI…Publicity lang ‘yan…
“I thank all those who are considering me…if there are any… But there are no formal talks…Wala sa plano ko ‘yan…Wala sa ambition ko…Am not interested!!!
“Pero maraming-maraming salamat sa consideration!! Nothing will change my mind!!!” buod ng statement ni Governor Vi sa amin.
Matapos magpaliwanag, kinumusta na rin namin kay Ate Vi ang shooting niya with Angel Locsin at Xian Lim.
“’Yung mga unang days, medyo kapaan pa at nag-aaral ng mga roles namin plus 1st time with direk Bb. Bernal. Sensitive ang roles namin kaya adjust muna kami,” saad ni Ate Vi.
Pero masaya at maganda raw ang working relationship ng lahat ayon pa kay Gov. Vilma.
Baguhang talent na si Maya, type si James Reid
Pina-Feng Shui talaga ni Perry Lansingan ng PPL Entertainment, Inc. ang showbiz name ng bagong talent na si Maya. Gusto raw ng manager ni Dingdong Dantes at iba pa na isang pangalan lang ang gamitin niya para raw madali ang recall sa mga tao.
Mapalad si Maya sa una niyang pagsabak sa pagkanta bago pa man hinimok ng bagong manager na subukan ang local music scene. Naging member kasi siya ng Asian vocal group na Blush kung saan siya ang kinuha mula sa ating bansa. Ang nakasama niya ay galing sa China, India, Japan at Korea.
Halos nalibot na rin niya ang buong mundo. Memorable sa kanya ang biyahe nila sa France. Pero bago maging bahagi ng Blush, sumali siya sa Pinoy Idol ng GMA-7. Nu’ng twelve years old pa lang siya, sumali rin siya sa Star For A Night kung saan si Sarah Geronimo ang tinanghal na grand winner.
Unang nakilala ni Maya ang manager nu’ng sumali siya sa Pinoy Idol na dating bahagi ng show. Sa Hong Kong sila muling nagkita ni Perry after ilang years at inalok na maging talent niya.
Kung merong local artist na gustong maka-duet si Maya, ‘yon ay si Bamboo na aminadong crush niya. Pagdating sa local actors, si James Reid ang natipuhan niya nang mapanood sa Gandang Gabi Vice dahil marunong din siyang kumanta.
Ano ang masasabi niyang lamang niya sa ibang singers ngayon na ang bilis ng turn-over?
“Ang napansin ko ngayon, iba na ‘yung klase ng music. Noon kasi, more on birit divas. Ngayon kasi, tulad ni KZ Tandingan, she’s amazing. Siguro ‘yung experience ko sa ibang bansa kasi mas open sila roon! Mas maganda kung magkakaroon ako ng collaboration sa Philippines para merong Western vibe! Ha! Ha! Ha!” rason ni Maya.
Naisalang na si Maya sa concert na Merged kasama ang kapwa PPL artist na si Migz Haleco sa isang bar sa south. Next week, sa elitistang Hard Rock Café naman sila magku-concert.
- Latest