‘Bangka’ (Part 7)
IIWASAN ko sana ang matandang babae na isinakay ko kahapon sa bangka gaya ng utos sa akin ni Tatay pero hindi ko nagawa.
Kinausap ako ng matanda.
“Utoy kailangan kong tumawid sa kabila. May naghihintay sa akin. Maari mo na akong ihatid. Alam kong pauwi ka na pero nakikiusap ako sa’yo. Kailangan ko lamang makatawid sapagkat may naghihintay. Ito ang huling pakiusap ko sa’yo Utoy.’’
Para akong nahipnotismo sa pakiusap ng matanda at naging sunud-sunuran.
Bumalik ako sa kinaroronan ng bangka. Pinasakay ko ang matandang babae.
“Hindi na kita gagambalain, Utoy. Ito na ang huli. Wala rin akong ibabayad sa iyo, Utoy kaya pasensiya na.’’
Tumango lamang ako.
Nagsagwan na ako. Nagtataka ako sapagkat para akong nagkaroon ng lakas. Samantalang kanina ay nagugutom na ako.
Nang makarating sa kabila ay nagpasalamat ang matanda at bumaba.
Pabalik na ako sa kabilang pampanh nang tingnan ang matanda.
Wala na ito!
Nawalang parang bula! (Itutuloy)
- Latest