Isang babaing mahaba ang buhok at nakasuot ng puting bestida ang nag-abot sa akin nang malamig na tubig na nasa pitsel. Nagpapawis ang pitsel dahil sa lamig.
Nang iabot sa akin ng babae ang pitsel ay nagpasalamat ako. Hindi naman tumugon ang babae at mabilis na tumalikod makaraang iabot sa akin ang pitsel ng tubig.
Nagmamadali naman akong naglakad para habulin ang aming trak na patuloy na kumukolekta ng basura.
Nang abutan ko ang trak ng basura ay pansamantala itong tumigil at uminom kami ng tubig. Dahil napakainit, mabilis namang naubos ang tubig. Lahat kami ay nakainom nang malamig at masarap na tubig.
Nagpaalam ako sa aking mga kasamahan na ibabalik ko ang pitsel. Nagmamadali ako na tinungo ang bahay.
Tumawag ako. Pero ilang beses na akong tumatawag ay walang sumasagot. Baka natutulog. Ipinasya kong dalhin ang pitsel at bukas na lang isasauli. Baka maistorbo ang babae.
(Itutuloy)