Health tips
PAANO ang natural na pagpapaputi ng ngipin? Puwede ninyong gawin ang isa sa mga sumusunod na paraan:
• Ayon sa artikulo mula sa Journal of the American Dental Association, mainam ang toothpaste na baking soda ang primary ingredient. Bukod sa ito ay ligtas, epektibo itong magpaputi ng ngipin.
• Coconut oil pulling. Isubo ang isang kutsarang coconut oil at 20 minutong paikot-ikutin sa loob ng bibig na parang ikaw ay nagmumumog. Tapos iluwa ang oil at sundan ng pagsesepilyo. Nagmula ito sa mga natural remedies ng mga sinaunang American Indian. Ang coconut oil ay may lauric acid at anti-microbial property.
• Apple cider vinegar. Paghaluin ang 2 kutsaritang cider vinegar at ¾ cup na tubig. Magmumog ng mixture sa loob ng 30 seconds na para itong mouthwash. Huwag patatagalin dahil acidic ito na maaaring makasugat ng gums.
• Kumain ng prutas na mayaman sa Vitamin C dahil nakakatulong ito para mabawasan ang pamumuo ng plaque sa singit ng ngipin.
Healthy foods na hindi dapat kainin kung may sintomas ka ng mga sumusunod:
• Huwag kakain ng spinach kung may kidney stone dahil mayaman ito sa oxalates na magpapalala ng sitwasyon.
• Huwag kakain ng strawberries kung may skin issues kagaya ng eczema at rosacea.
• Huwag sobrahan ang kain ng kamatis dahil lalo itong magpapalala ng joint pain and inflammation.
• Nakakapagpalala ng acid reflux ang oranges at iba pang citrus fruits.
• Ang garbanzos ay maaaring magdulot ng kabag at pananakit ng tiyan sa mga taong may IBS (Irritable Bowel Syndrome).
- Latest