Lolo, nakatanggap ng Guinness World Record dahil sa kanyang talento sa pag-handstand!
ISANG senior citizen sa New Jersey ang pormal na kinilala ng Guinness World Records bilang “oldest person to perform a handstand (male)” sa edad na 74.
Simula pa noong kabataan, regular madalas nang mag-handstand si Paul Budline at bahagi na ito ng kanyang araw-araw na ehersisyo bukod sa aerobics, cycling, weightlifting.
Dalawang beses lamang siyang napahinto sa kanyang fitness routine, noong nagkaroon ng COVID-19 lockdown at noong nag-undergo siya ng hip surgery sa edad na 70.
Matapos ang operasyon, halos hindi na niya magawang buuin ang handstand, ngunit pinilit niyang magbalik-ehersisyo nang malaman niyang 15 seconds ang requirement para sa Guinness record.
Sa kabila ng edad, determinasyon at tiyaga ang naging puhunan ni Budline upang tuluyang makuha ang titulo.
“Malaki ang kasiyahan ko sa achievement na ito,” ani Budline, na may taas na 6 feet and 2 inches at timbang na 185 lbs. “Hindi ito madaling gawin, pero patuloy kong gagawin habang kaya ko pa at nagpapasalamat ako na wala akong iniindang sakit o injury.”
- Latest