^

Punto Mo

Tom Cruise, nakapagtala ng World Record dahil sa mapanganib na stunt sa ‘Mission: Impossible’

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Pinatunayan muli ni Tom Cruise ang kanyang dedikasyon sa paggawa ng pelikula matapos siyang kilalanin ng Guinness World Records para sa pelikulang “Mission: Impossible – The Final Reckoning”.

Sa kanyang matinding stunt, anim na beses siyang ­tumalon mula sa helicopter habang nasusunog ang parachute na kanyang suot.

Ayon sa Guinness World Records, si Cruise ay record holder ng titulong “most burning parachute jumps by an individual”.

Sa bawat pagtalon, nilagyan ng gasolina ang parachute at sinindihan bago siya tumalon. Habang nasa ere, kailangang putulin ni Cruise ang nagliliyab na parachute at buksan ang kanyang backup na parachute para makaligtas.

Kinilala si Cruise hindi lang bilang isang action star kundi bilang isang tunay na risk-taker.

Ayon sa Guinness World Records, ang tagumpay na ito ay patunay ng kanyang kakaibang tapang at hangaring maghatid ng realistic na aksyon sa bawat pelikula.

TOM CRUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with