^

Punto Mo

Buntis na news anchor sa U.S., tinapos ang pagbabalita habang nagle-labor!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAMALAS ng isang morning news anchor ang tunay na dedikasyon sa trabaho nang ituloy ang pagbabalita, kahit pa nararamdaman na malapit na siyang manganak.

Noong Miyerkules (Mayo 21), dakong 4:15 ng madaling araw, pumutok ang panubigan ni Olivia Jaquith, anchor ng WRGB-TV CBS6 sa Albany, New York.

Sa halip na magpahatid sa ospital, pinili ni Jaquith na ituloy ang 6:00 a.m. newscast, dalawang oras matapos ang simula ng kanyang pagle-labor.

“We do have some breaking news this morning, literally,” biro ng co-anchor niyang si Julia Dunn sa simula ng broadcast. “Olivia’s water has broke.”

Ayon kay Jaquith, early stage pa lamang ng labor ang kanyang nararanasan at malayo pa ang pagitan ng kanyang mga contraction. Sa kabila nito, tinapos niya ang buong programa bago siya dinala sa ospital.

Sa broadcast, makikita ang isang countdown timer sa screen na nagpapakitang dalawang araw na siyang overdue sa kanyang due date. Pebrero nang ianunsiyo ni Jaquith at kanyang asawang si Tyn ang pagdadalang-tao sa unang anak.

Pinuri naman ng kanilang news director na si Stone Grissom ang ipinakitang tapang at professionalism ni Jaquith.

“Hindi kami makapaghintay na salubungin ang bagong miyembro ng aming pamilya,” ani Grissom. “Mula sa kanyang on-air pregnancy announcement hanggang sa pagtakbo ng half-marathon habang buntis, si Olivia ay tunay na inspirasyon.

“Ang kanyang dedikasyon sa pagbabalita at pagmamahal sa kanyang komunidad ay kapansin-pansin,” dagdag ni Grissom.

Ayon sa mga kasamahan niya, si Jaquith ay simbolo ng tapang, propesyonalismo, at malasakit, maging sa gitna ng mga pinakaimportanteng yugto ng kanyang buhay.

BALITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with