^

Punto Mo

Lola, nagtala ng Guinness World Record sa planking!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 82-anyos na lola mula sa Massachusetts, USA ang gumawa ng kasaysayan matapos makuha ang titulo bilang “Oldest person to perform an abdominal plank” na ang inspirasyon ay ang matinding lungkot sa pagpanaw ng kanyang mahal na asawa.

Matagumpay na naabot ni Sarah Blackman ang higit limang minutong planking na naging daan para siya gawaran ng Guinness.

“Sinusubukan din ng apo kong mag-plank. Buti na lang, tinalo ko siya,” pabirong sabi ni Sarah, na mas matanda ng dalawang taon sa previous record holder na si Annie Judis.

Ayon kay Sarah, nagsimula ang kanyang fitness journey dalawang taon matapos mamatay ang kanyang mister na si Arthur Wade Blackman Jr.

“Matagal kong ­inalagaan ang aking asawa. Nang siya’y mamatay, naisip kong panahon na para gawin ko naman ang isang bagay para sa sarili ko,” ani Sarah.

Kumuha siya ng personal trainer na si Vince at sinimulan ang mga basic na ehersisyo hanggang sa ipakilala sa kanya ang planking.

“Sabay kaming nagpa-plank ni Vince. Nang maabot ko ang apat na minuto, sabi niya baka may mali sa kanya, o baka mas malakas ako kaysa sa inaakala niya,” kuwento ni Sarah.

USA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with