Survey firms, palpak!
NAKADIDISMAYA ang political survey firms. Kung gagawing basehan ang resulta nitong midterm elections, abayyy halos walang tumama sa mga kandidato na ibinando nilang mananalo. Ang tama lang ay si Comelec chairman George Garcia na nagsabing ‘wag paniwalaan ang survey dahil ang boto ang binibilang.
Bago tumulak sa polling precincts ang mga Pinoy noong Lunes, tahasan pang sinasabi ng survey firms na walo hanggang siyam sa tiket ng Alyansa ni President Bongbong Marcos ay mananalo. Pero sa partial unofficial returns ng Comelec, lima sa Alyansa ang pumasok, lima sa DDS at dalawa ang dilawan.
Tiyak may kung anu-anong rason na naman ang mga nagpapatakbo ng survey firms. Kapag hindi nila masagot ng maayos itong bulilyaso na kinasangkutan nila, goodbye na lang sa milyones na kikitain nila sa 2028 national elections. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa resulta ng halalan, napansin ng mga kosa ko na malakas pa rin ang hatak ni Tatay Digong sa mga botante. Ang magandang halimbawa ay sa Davao City kung saan nilambada ni Tatay Digong at mga kapamilya n’ya ang kanilang mga kalaban. Milya-milya ang agwat. Sa Cebu, nilampaso ni Pam Baricuarto si incumbent Gov. Gwen Garcia, na ikinampanya pa ni BBM.
Hindi lang ‘yan, maging ang mga opisyales ng quad comm na sina Rep. Benny Abante, Joel Chua, Stella Quimbo, at France Castro ay dinampot sa kangkungan. Hindi na makaporma sina Abante at Chua sa impeachment ni VP Inday Sara. Araguyyy! Ang resulta ng midterm elections ay magsisilbing wake-up call kay BBM. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Subalit ang nakatawag pansin talaga sa midterm elections ay ang resulta sa pagkasenador. Noong una, ang isinisigaw ni BBM ay 12-0 para sa Alyansa. Naging 11-0 ito matapos magsagawa ng Senate hearing ni Sen. Imee Marcos sa trip ni Tatay Digong sa The Hague. Nagtapos ito sa 10-0 dahil itiniwalag din nila si Rep. Camille Villar at pinaimbestigahan pa ang Primewater na negosyo ng kanyang pamilya.
Ang resulta? Dati-rati sina Imee Marcos at Villar ay outside ng winning circle. Subalit nang i-endorso ni VP Sara sina Villar at Imee, nakarekober sila. Si Villar ay nasa pang-10, samantalang si Imee ay nakalambitin sa pang-12 at halos isang milyon ang agwat ng boto sa No. 13 na si Ben Tulfo. Hehehe! May magic ang endorsement in Inday Sara?
Ang ikinagulat pa ng mga kosa ko, ang mga alipores ni Tatay Digong na sina Bong Go at Bato dela Rosa na nagtala nang napakaraming boto kahit abot langit pa ang pagpasaring sa kanila na sila na ang isusunod ng ICC kay Tatay Digong. Araguyyyyy!
Hindi kinagat ng mga Pinoy ang black propaganda ng mga kalaban at imbes ay ibinalik sina Go at Bato sa Senado. Si Go ang No. 1 vote getter, samantalang si Bato naman ang No. 3. Wakanga! Hindi tumalab ang black propaganda ng mga anti-Duterte, ‘no mga kosa?
Siyempre, kasama sa ikinagulat ng mga kosa ko ay ang pag-alagwa ni Rep. Rodante Marcoleta bilang No. 6 sa listahan. Hamakin n’yo, sa mga surveys malayo sa winning circle si Marcoleta subalit pumalo pa sa No. 6. May magic si Marcoleta? Hehehe! Walang kuwenta talaga ang surveys, ‘no mga kosa? Mismooo!
Natuliro rin ang mga survey firms dahil sa pagpasok sa Magic 10 nina Bam Aquino at Kiko Pangilinan, na tulad ni Marcoleta ay malayo sa winning circle sa surveys. May himala? Ang sakit sa bangs nito! Forget surveys! Abangan!
- Latest