^

Punto Mo

Flocerfida (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATATANDAAN ni Kikoy noong nasa Saudi pa siya na lagi niyang nakikita na magkasama sina Makoy at Dong hindi lamang sa paglalakad kung Biyernes kundi nagtutungo rin ang dalawa sa bilihan ng sariwang prutas at gulay.
Minsan ay nakita niya ang dalawa na galing sa bilihan ng mga segunda manong gamit para sa bahay—lababo, carpet, chandeliers at ina pa. Buddy-buddy ang dalawa.

Kaya malaki ang posibilidad na may nalalaman si Makoy sa “misteryosong” pagkamatay ni Dong. Ayon kay Tatay Victor nang makita niya ang bangkay ni Dong nang dumating mula Saudi, kinutuban na siya. Parang hindi namatay sa atake sa puso ang kanyang anak.

Malusog daw ang kanyang anak na si Dong at walang bisyo. Kaya nagtataka si Tatay Victor na inatake raw ito sa puso. Ayon sa pagkukuwento ng matanda, inatake ito habang natutulog. Nagisnan na lamang daw ng kasama sa kuwarto na hindi na humihinga.

Isinugod daw sa ospital pero patay na nang idating. Ang nakalagay daw sa death certificate ay namatay dahil sa cardiac arrest.

Ang isang pinagsisisihan daw ni Tatay Victor ay hindi niya pina-autopsy ang bangkay ni Dong. Litung-lito raw siya noon kaya hindi na naisip. At isa pa, maiisip daw ba niya agad ang gayun—lumipas pa ang mga buwan bago niya naisip na baka may nangyaring foul play sa pagkamatay ni Dong.

Napailing-iling si Kikoy pagkatapos. Baka nga may nang­yaring foul play kay Dong.

Ngayong pauwi na si Makoy, malalaman niya ang lahat.

 

ISANG buwan ang lumipas. Dumating na si Makoy mula Saudi.

Nag-text ito sa kanya.

“Punta ka na rito, Kikoy,” sabi ni Makoy sa text.

Kinabukasan, nagtungo sa Novaliches si Kikoy. Kabisado na niya ang tirahan ni Makoy sa Damong Maliit.

Tuwang-tuwa si Makoy nang makita siya.

“Nagkita rin tayo Makoy!”

“Oo nga Kikoy.”

Nagsimula ang kanilang mahabang kuwentuhan.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with