^

Punto Mo

EDITORYAL - Pangalanan, gov’t officials na espiya ng China

Pang-masa
EDITORYAL - Pangalanan, gov’t officials na espiya ng China

NAKAGIGIMBAL ang inilahad ni Senate Majority­ Leader Francis Tolentino sa isang news forum noong nakaraang linggo na may mga matataas na opis­yal ng gobyerno na nagsisilbing espiya para sa China. Sabi ni Tolentino, maihahambing ang mga sinasabi niyang opisyal ng gobyerno kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na inaakusahang espiya. Kasalukuyang naka­kulong sa Pasig City Jail dahil sa human trafficking at pagkakaugnay sa POGO operation.

Ayon kay Tolentino, marami ang magugulat kapag inilabas ang mga sinasabing government officials na nag-eespiya para sa China. Ang mga opisyal umano ay naka­puwesto na sa gobyerno bago pa man maupo si Pre­sident Ferdinand Marcos Jr. noong 2022. Tumatanggap umano ng utos at nagsusumite ng report ang mga government official sa pamahalaan ng China. Nakabaon na raw sa mga ahensiya ng pamahalaan ang mga espiya ng China.

Nararapat pangalanan ni Tolentino ang mga sinasabi niyang opisyal ng pamahalaan para maging matibay ang kanyang pagbubunyag. Kung pawang paghihinala lamang at walang sapat na ebidensiya, hindi ito makakakuha ng simpatya. Dapat mabulgar ang mga opisyal na mistulang traidor sa bayan.

May mga nahuli nang pinaghihinalaang Chinese spies noong Enero at maaring marami pa sila. Ang mga Chinese spies na nahuli ay sina Cai Shaohuang, alyas Richard Tan Chua – lider ng grupo; Cheng Hai Tao; Wu Cheng Ting; Wang Yong Yi at Wu Chin Ren. Nahuli sila sa Palawan. Naaresto naman sa Makati City si Deng Yuanquing at dalawang Pilipino na nagsisilbing drayber nito.

Nasamsam sa mga Chinese spies ang mga kagamitan na ginagamit sa pagsasagawa ng ­casing sa military camps at iba pang pangunahing imprastraktura. Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mga espiya at sangkot sa illegal surveillance operations ang mga naaresto. Nagsasagawa ang mga ito ng unauthorized foreign intelligence surveillance at reconnaissance activity. Nakuha sa servers ng Chinese ang mga mapa ng critical infrastructures ng military at PNP camps. May mga data rin umano ng camps na nakuha sa server.

Maaaring nakakuha na sila ng mahahalagang impormasyon at pinag-aaralan na ng People’s Liberation Army (PLA). Ang PLA ang madalas na kasama ng China Coast Guard (CCG) sa pambu-bully sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea. Posible ring marami pang spies sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nararapat na paigtingin ng AFP at PNP ang pagkalap ng intelligence upang madampot sa lalong madaling panahon ang Chinese spies.

Nasimulan na ni Tolentino ang pagbubunyag sa mga government officials na nag-eespiya para sa China. Tuluy-tuloy na niyang hubaran ang mga ito. Pangalanan na niya ang mga traidor.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with