Health tips
April 30, 2025 | 12:00am
Gawin ito ng nanay habang siya ay nagbubuntis:
- Kumain ng 2 oranges per day para gumanda ang kutis ng baby.
- Bawasan ang pagkain ng maalat para hindi tumaas ang blood pressure habang nanganganak.
- Kumain ng fresh buko sa tuwina upang gumanda ang buhok at maging malinaw ang mata ng baby.
- Uminom ng buko juice sa umaga upang hindi mangasim ang sikmura.
Food mistake na perwisyo sa kalusugan:
- Ang pagkain ng prutas pagkatapos ng meal ay nagiging dahilan ng bloating at pangangasim ng sikmura. Palampasin ang isang oras at saka kainin ang prutas.
- Natutunaw ang nutrients ng gulay kung napasobra ang tagal ng pagluluto dito.
- Nagiging acidic ang tiyan at humihina ang digestion kung inom ka nang inom ng tubig habang kumakain. Ang tamang “timing” sa pag-inom ng tubig ay kapag tapos ka nang kumain.
- Ang pag-inom ng kape na walang laman ang tiyan ay nagpapataas ng cortisol. Ang cortisol ay tinatawag din stress hormone. Cortisol din ang dahilan ng pagtaas ng blood sugar. Kumain muna ng biscuit or pandesal bago magkape.
- Iwasang kumain ng marami sa hapunan. Ang heavy dinner ang dahilan ng paputol-putol na tulog na ang resulta kinabukasan ay panlalambot ng katawan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended