^

Punto Mo

Florcerfida (5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKA si Kikoy nang biglang binawi ni Tatay Victor ang sinabi.

“Kalimutan mo na ang mga sinabi ko Kikoy. Kahit naman sabihin ko ang aking mga napuna at paghihinala sa pagkamatay ni Dong e wala na namang mangyayari. Halos mag-iisang taon na ang nakalipas. Kalimutan mo na ‘yun,” sabi ni Tatay Victor at pilit na ngumiti.

Si Kikoy naman ang naging interesado sa mga sinabi ng matanda.

“Baka po may maitulong ako. Kung malakas po ang pagdududa mo sa naging biglaang kamatayan ni Dong e puwede namang magkaroon ng imbestigasyon—para magkaroon ng hustisya kung mayroong foul play.”

Napabuntunghininga si Tatay Victor.

Ilang beses na sumilip sa bintana bago nagsalita.

“Ayaw kong marinig ng apo ko ang may kaugnayan sa pagkamatay ng kanyang papa. Gusto kong manatili sa kanyang isipan na namatay sa atake sa puso si Dong.”

“Anak po pala siya ni Dong.”

“Oo.”

“Kahit nagkakausap kami ni Dong noon, hindi namin napagkukuwentuhan ang tungkol sa pamilya. Maski ako hindi ako nagkukuwento kay Dong tungkol sa personal na buhay ko.”

“Tahimik si Dong. Pangiti-ngiti lang ‘yun.”

“Oo nga po. Kaya naman kami nagkakausap ni Dong ay dahil laging nagkikita sa laundry room tuwing Biyernes ng umaga. Araw ng paglalaba namin. Nagkukuwentuhan kami. Ganun lang. Kung minsan ay nagkakasabay kami sa paglalakad sa hapon.”

“Ganun nga raw ang ginagawa ni Dong sabi niya sa akin. Para raw maalis ang homsik—naglalakad o nagja-jogging.”

“Totoo po ‘yun.”

Sumilip uli sa bintana si Tatay Victor.

Pagkatapos ay nagtanong kay Kikoy.

“Ikaw ba ay mayroon pang kontak sa Saudi—sa dati n’yong kompanya?”

“Meron pa naman po.”

“Kilala mo pa ba ang mga laging nakakausap ni Dong?”

Nag-isip si Kikoy.

Wala siyang matandaan na laging kausap ni Dong. Palibhasa ay hindi naman niya ito laging nakikita.

Pero may natatandaan siya na kasama ito sa paglalakad at pagja-jogging.

“Meron po akong isang natatandaan.”

“Sino ‘yun?” (Itutuloy)

FLORCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with