^

Punto Mo

Lalaki sa Cyprus, nagbalanse ng 468 baso sa ulo habang sumasayaw para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG tradisyonal na sayaw ang naging sentro ng atensyon sa Easter Tuesday celebration sa Cyprus matapos magpa­kitang-gilas ang mananayaw na si Dinos Kkantis sa isang ka­kaibang talento, ang pagbabalanse nang mahigit 400 wine glass sa kanyang ulo habang sumasayaw.

Umabot sa 468 ang kabuuang bilang ng wine glasses na matagumpay na nabalanse ni Kkantis sa kanyang ulo habang isinasagawa ang “Dance of the Glasses,” isang tradisyonal na sayaw sa Cyprus.

Habang tumatagal ang sayaw, unti-unting dinadagdagan ang mga tray ng baso sa kanyang ulo habang kahanga-hangang nanatiling maayos ang kanyang galaw at balanse.

Kung makukumpirma ng Guinness World Records, mala­lampasan ni Kkantis ang kasalukuyang record na 319 wine glasses na naitala rin ng isang Cypriot na si Aristotelis Valaoritis noong Mayo 2023.

Kasalukuyang isinusumite ang video at iba pang ebidensiya ng pagtatanghal ni Kkantis para sa opisyal na beripikasyon ng Guinness.

Sa ngayon, umaasa ang lokal na komunidad na ang kanilang kababayan ay muling magdadala ng karangalan sa bansa sa larangan ng kakaibang talento.

“Hindi lang ito tungkol sa baso,” anang isang tagapanood. “Ito ay pagpapakita ng tiyaga, husay, at pagmamalaki sa kulturang Cypriot.”

GUINNESS BOOK OF WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with