^

Punto Mo

Mensahe sa mga tampalasan, ipinadarama na!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KASABAY sa pag-init ng panahon ay umaarangkada rin ang mga pulitikong gustong manalo sa 2025 election. Walang plataporma maliban sa manira ng kalaban para makabahagi sa kaban ng bayan. ‘Yun lang!

Wala ni isa man sa kanila ang nagpaparamdam ng malasakit sa kalikasan at pawang platapormang pamumulitika na ang propaganda ay pamamahagi ng ayuda at pagpuna sa ninakaw na pondo ng bayan. Meron nang naiiba sa kanila? Wheeew!

Inaani na natin ngayon ang mga naging bunga ng pagtampalasan natin sa kalikasan na maaring maghatid sa buong mundo ng mas makagugulat na kapahamakan sa susunod na maikling panahon. Magliliyab na sa init ang Senado at Kongreso?, Komite de ganansya pa rin ang inaasikaso?

Ang lahat ng ito ay resulta ng pagbabago ng temperatura sa kapaligiran ng mundo hanggang sa kalawakan. Bunga ito ng lumobong populasyon at paglaganap ng mga pabrika at produksyon ng mga sasakyang ang gatong ay langis at gasolina na nagbubuga ng maiinit na singaw at usok sa sangkatauhan. Pagsasalarawan ng impiyerno, di ba?

Prediksiyon na ito ng mga siyentipiko mula pa noong 1896 na babalutin ng carbon monoxide ang paligid ng mundo. Sa pag-inog ng panahon, maaring magpainit ito sa mga bulkan at magpatuyo ng tubig sa kailaliman ng kalupaan at maghatid ng malalakas na lindol. May pulitiko ba tayong iniisip ito?

Alam ng mga makabagong siyentipiko na totoong lahat ang mga prediksiyon noon ng mga kabaro nila, pero walang alternatibong solusyon ang maaring irekomenda nila kundi magbawas ng populasyon at ipasara ang mga pabrika na nagbubuga ng mapaminsalang mga usok. Aba’y giyera at epidemya ang mensaheng dala nito.

Mabuti sana kung ang mga pulitikong mga artista, housing developers at factory owners ay may guniguni ng platapormang makatao at maka-kalikasan. Teka, iboboto mo ba? He-he!

Nakapangingilabot na isipin kung sakaling may lumitaw na “killer virus at bacteria” at mag anunsiyo ang World Health Organization na wala itong lunas. Ano kayang arte ang gagawin ng mga artista sa harap ng mamamayan? Lights, camera, action!

Ipinaramdam na sa atin nina Pope Francis, Pilita Corales at Nora Aunor ang mensahe nang hangganan ng buhay ng tao. Kahit sino ka pa sa ibabaw ng mundo, magbabalik din sa abo.

Iboto natin ang kandidatong makatao, makakalikasan at maka-Diyos, “kung meron”. Umiwas sa impluwensiya ng makademonyong pulitiko.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with